News and Updates

Loading

Ugnayan para sa ligtas na pamayanan, NAAP-PNP-Brgy. 183 Dialogue on Campus and Community Safety 2026

Matagumpay na ginanap ngayong araw sa NAAP-Villamor AVR ang 𝐔𝐠𝐧𝐚𝐲𝐚𝐧: 𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐋𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐲𝐚𝐧𝐚𝐧, 𝐍𝐀𝐀𝐏-𝐏𝐍𝐏-𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝟏𝟖𝟑 𝐃𝐢𝐚𝐥𝐨𝐠𝐮𝐞 𝐨𝐧 𝐂𝐚𝐦𝐩𝐮𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐒𝐚𝐟𝐞𝐭𝐲 𝟐𝟎𝟐𝟔. Layunin ng pagtitipong ito na mapag-usapan ang mga bagay na may kinalaman sa kaligtasan at seguridad sa loob at paligid ng NAAP.
Nagbigay ng datos at kasalukuyang sitwasyong pang-seguridad ang tatlong ahensya sa pamamagigan nina DC Oliver Ruaya ng NAAP Security Office, Hon. Alvin Zuñiga, Brgy. 183 Chairperson, at PMAJ Aries Regis Reyes, Commander ng Villamor Police Sub-Station.
  • Ugnayan at pagbibigay ng Practical Tips, Hotspot areas ng Theft/Robbery at mga hakbang ng kapulisan at LGU upang maiwasan ang ganitong mga insidente kagaya ng pagroronda ng mga mobil ng kapulisan at LGU na may kasamang paggamit ng “blinker” at wangwang sa mga oras na talamak ang mga insidente.
  •  Ugnayan ukol sa Abandoned Building na nasa SLEX Highway (Gate 2 ng NAAP) at mga susunod na hakbang sa planong pagrestruktura nito bilang PNP/Barangay Outpost.
  •  Ugnayang regular (weekly coordination meetings) sa pagitan ng NAAP, Brgy. 183 at PNP kasama ang iba mga partidong may kaugnayan sa pagpapatupad ng kaligtasan at seguridad sa pamayanan.
  •  Planong pagkakaroon ng database ng “accredited dormitories” upang hindi mahirapan sa paghahanap ng ligtas na tahanan ang mga mag-aaral.
Naniniwala ang NAAP na sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya kagaya ng Barangay at Pulisya ay maatim ang isang komunidad na ligtas, matiwasay at may kapayapaan.
Scroll to Top